Narito ang libreng Panghalip Panaklaw Worksheet para sa mga guro at maging mga magulang. Kung may komento ay maaaring ilagda sa ibaba.
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga panghalip panaklaw sa bawat pangungusap.
1. Walang sinuman ang maaring manghusga sa kanyang kapwa.
2. Dumagsa ang madla sa plasa upang mapanuod ang pagdiriwang.
3. Ang iba sa mga manlalaro ay hindi nakasama sa palarong pambansa.
4. Inaanyayahan ang bawat isa na makilahok sa paligsahan.
5. Maligaya ang lahat sa naging resulta ng pagsusulit.
6. Siya ay may pitong anak, pawang mga lalaki.
7. Kahit sino ay may karapatang mabuhay.
8. Dapat alamin ng tanan ang kanyang karapatan sa bansang ito.
9. Maaaring baguhin ninuman ang pamagat ng kuwentong binasa.
10. Mananalo tayo sa larong ito anuman ang sabihin nila.
Panuto: Pumili ng tatlong panghalip panaklaw mula sa itaas at gamitin ito sa pangungusap.
_______________________
______________________________________________________________________________
_______________________
______________________________________________________________________________
_______________________
______________________________________________________________________________