Narito ang libreng Panghalip Pamatlig Worksheet para sa mga guro at maging mga magulang. Kung may komento ay maaaring ilagda sa ibaba.
A. Panuto: Isulat kung ito, nito, o dito ang nakasalungguhit na salita o parirala.
________________ 1. Ang singsing ay bigay sa akin ni Lola.
________________ 2. Kumakain si Marie ng chicharong bulaklak.
________________ 3. Malinis at maayos na ang tulugan ng aso.
________________ 4. Magkikita kami ng mga kaibigan ko sa SM.
________________ 5. Sino ang may-ari ng bagong sasakyan?
B. Panuto: Isulat kung iyan, niyan, o diyan ang nakasalungguhit na salita o parirala.
________________ 6. Sa kanto lamang ako bababa.
________________ 7. Bumili si Nico ng bagong cellphone.
________________ 8. Si Stella ang bago kong matalik na kaibigan.
________________ 9. Ang mga bata ay naghanda ng regalo para sa kanilang mga guro.
________________ 10. Naglalaro ang magpinsan sa bakuran.
C. Panuto: Isulat kung iyon, niyon, o doon ang nakasalungguhit na salita o parirala.
________________ 11. Itinago ni nanay ang mga laruan ko sa kanyang kuwarto.
________________ 12. Si Harry Potter ay sikat na karakter mula sa mga libro ni J.K. Rowling.
________________ 13. Napundi na ang ilaw sa aming silid-aralan.
________________ 14. Ang Chocolate Hills ay isang sikat na burol sa Bohol.
________________ 15. Isinugod sa ospital ang aking anak dahil sa mataas na lagnat.