Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay salitang naglalarawan ng kilos o galaw. Ito ay nagsasaad kung saan, kung paano, at kung kailan ginawa ang isang kilos o galaw.
Uri ng Pang-abay
Pamaraan – ito ay nagsasabi kung paano ginawa ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “paano.”
Halimbawa: Mabilis tumakbo ang kabayo ni Mang Juan.
Pamanahon – ito ay nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “kailan.”
Halimbawa: Kumain ako kaninang umaga ng itlog.
Panlunan – ito ang salitang nagsasabi kung saan ginawa o nangyari ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “saan.”
Halimbawa: Nagluluto sa kusina si Ate Ann.
Panggaano – ito ay nagsasaad ng dami, lawak, timbang, bigat, halaga, o sukat ng pagsasagawa ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na “gaano.”
Halimbawa: Maraming puno ang pinutol ng mga illegal loggers.
Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagpayag ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng talaga, tunay, totoo, sigurado, at walang duda.
Halimbawa: Totoong natuwa sila nanay dahil nakakuha ako ng mataas na grado sa Filipino.
Pananggi – ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng hindi, ayaw, huwag, at wala.
Halimbawa: Walang masulat na kwento ang tito kong manunulat.