Ang pandiwa o verb sa Ingles ay ang mga salitang nagsasaaad ng kilos o nagbibigay buhay sa mga salita. Mayroong dalawang uri at tatlong aspekto ang pandiwa.
Dalawang uri ng pandiwa:
1. Palipat (transitive verb)
Ito ay mga pandiwang nangangailangan ng tuwirang layon (direct object). Ito ay kadalasang pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa, o kay
Halimbawa:
Nagsampay ng damit si Maria.
Nagbigay ng pera sa akin si lola.
2. Katawanin (intransitive verb)
Ito ay mga pandiwang hindi nangangailangan ng tuwirang layon (direct object).
Halimbawa:
Kumakanta ang bata.
Nagluluto si Santiago.
Tatlong aspekto ng pandiwa:
- Pangnagdaan (past tense) – ito ay nagsasaad na tapos na ang kilos
- Pangkasalukuyan (present tense) – ito ay nagsasaad na kasalukuyang ginagawa ang kilos
- Panghinaharap (future tense) – ito ay nagsasaad na gagawin pa lamang ang kilos
Pangnagdaan |
Pangkasalukuyan |
Panghinaharap |
naglaro nagsalita lumangoy kumain natulog nadapa |
naglalaro nagsasalita lumalangoy kumakain natutulog nadadapa |
maglalaro magsasalita lalangoy kakain matutulog madadapa |
+1
3
+1
2
+1
1
+1
2
+1
+1
+1