Narito ang ang mitolohiya at kung ano ang kuhulugan ng mitolohiya sa ating mundo.
Ang mitolohiya ay isang anyo ng panitikan na nakapalibot sa relihiyon o tradisyonal na kultura. Sa mga librong ito, tipo na ang protagonist o main character ay isang diyos, diyosa, o anak ng isang diyos. Maraming elemento tulad ng mahika, nilalang, at mahiwagang mga lugar.Â
Ang Greek Mythology ay isa sa pinakasikat na mitolohiya hindi lang sa buong mundo kung di sa Pilipinas. Iilan dito ang istorya ni Medusa, Icarus, at Theseus and the Labyrinth. Â
Elemento ng Mitolohiya
Ang mitolohiya ay ang mga kuwentong umusbong noong unang panahon na ang tema’y pananampalataya at pagsasamba sa mga diyos/diyosang may natatanging kapangyarihang hindi makikita sa mga normal na tao. Kadalasang mga kuwento nito’y ukol sa pakikipagsapalaran ng mga diyos, interaksyon nito sa mga mortal, pananampalataya ng mga mortal, at pag-ibig nito sa kapwa diyos/diyosa o sa mga mortal.Â
Isa sa mga pinakasikat na mga kuwentong patungkol sa pag-ibig ay ang Diyosa ng mga Pag-ibig at si Adonis, The Story of Pygmalion, at Cupid and Psyche.Â
Ang pinakamalaking kaibahan ng mitolohiya sa relihiyon ay ang bilang at dami ng mga diyos/diyosa, at pagpapakita ng mga katangiang mortal. Dahil dito’y ang pagkasusulat ng diyos/diyosa ay maliit na titik sa mitolohiya ngunit malaking titik naman ang pagkakasulat ng Diyos sa relihiyon.
Ang mga elemento ng mitolohiya ay ang mga sumusunod:Â
Tauhan – Ang mga karakter na makikita sa kmga kuwentong mitolohiya. Ang mga ito ay ang diyos/diyosa at ang mga mortal sa isang komunidad.
Tagpuan – Ang lugar, panahon, at kultura kung saan nagaganap ang kuwento.Â
Banghay – Ito ay tumutukoy sa outline o framework ng isang kuwento. Kadalasan na mga banghay ng isang kuwentong mitolohiya ay ang interaksyon ng mga diyos/diyosa, mga maaksyong paglalaban ng mga diyos/diyosa gamit ang kanilang kapangyarihan, ang pagkakalikha ng mundo at kung bakit ito nangyari, at mga makamundong problema at paano ito nalutas.Â
Tema – Ang paksa o ang layunin ng mitolohiya. Ang mga ito’y pagpapaliwanag ng mga natural na pangyayari, pinagmumulan ng buhay sa daigdig, pinagmumulan ng asal at gawa ng isang mortal at ang kanyang kahinaan, at mga aral sa buhay.
Estilo – Ang pamamaraan ng may-akda upang maiparating ang mensahe. Nagbibigay ito ng mga malilit na pagpapahiwatig ukol sa kultura at tradisyon at sa kamundohan ng isang tao (kahinaan, kalakasan, atpb.). Pinapahiwatig ito sa pamamagitan ng mga kakaibang mga pangyayari upang maisulong ang kaisipang nalalampasan ng isang nilalang ang lahat ng pagsubok, gaano man ito kahirap.
Tono – Ang himig ng kuwento na siyang nakapagdadala ng emosyon at aral sa mga mambabasa.
Pananaw – Ang pananaw kung saan ito nakasulat. Kadalasa’y nakasulat ito sa ikatlong pananaw o ang pasalaysay.Â
Kasabihan – Mga salitang may mabigat at maimpluwensiyang dulot sa mambabasa.
Halimbawa ng Mitolohiya
Mitolohiya ng Pilipinas
- Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng pagkarami raming mga isla, ang mitolohiyang nasasalindila ay paiba iba rin.
- Ang pinakakilalang mitolohiya sa mga bisaya ay ang pagkabuo ng mundo. Sa paniniwalang ito sinasabi na noo’y walang lupa, araw, buwan, o bituin.
- Ang pinakasikat na kuwento tungkol dito ay ang kuwento ni Maguayan at Captan. Si Maguayan ay ang hari ng lupa at si Captan ang hari ng langit, na dahil sa isang hindi pagkauunawan ay nagpasyang mapalayo sa isa’t isa. Dahil dito’y lumawak ang mundo at di kalauna’y nagkabuhay.Â
- Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng pagkarami raming mga isla, ang mitolohiyang nasasalindila ay paiba iba rin.
- Ang pinakakilalang mitolohiya sa mga bisaya ay ang pagkabuo ng mundo. Sa paniniwalang ito sinasabi na noo’y walang lupa, araw, buwan, o bituin.
- Ang pinakasikat na kuwento tungkol dito ay ang kuwento ni Maguayan at Captan. Si Maguayan ay ang hari ng lupa at si Captan ang hari ng langit, na dahil sa isang hindi pagkauunawan ay nagpasyang mapalayo sa isa’t isa. Dahil dito’y lumawak ang mundo at di kalauna’y nagkabuhay.Â
Mitolohiya ng Roma
- Ang mitolohiya ng Roma ay madalas na naihahalintulad sa mitolohiya ng Griyego sapagkat napakapareho ng mga kuwento nito at naiiba lang sa pangalan.Â
- Ang mga pinakasikat na mga karakter sa mitolohiyang Roma ay sina: Saturn (Kronos), Jupiter (Zeus), Neptune (Poseidon), Pluto (Hades), Venus (Aphrodite), Vulcan (Hephaestus), Minerva (Athena), at Diana (Artemis). Ang mga pangalang nakalagay sa mga saknong ay ang mga katumbas nitong pangalan sa mitolohiyang Griyego.
- Salungat sa Griyego, ang mitolohiyang Romano ay wlaang seksuwalidad na tinatangi. Hindi rin nakapokus ang mga ito sa mga asal at gawi ng mga diyos. Ang nais nitong ipakita ay ang katotohanang hindi ang yaman ang basehan ng pupuntahan sa kamatayan kundi ang kabutihang asal na nagawa mo sa lupa.
Mitolohiya ng Africa
- Kadalasang tema ng mitolohiyang Aprikano ay unibersal—tinatalakay nito kung paano nagawa ng daigdig o mundo at kung ano ang kahihinatnan ng mga espirito ng mga yumao.Â
- Isa sa mga tanyag na mitolohiya ay patungkol kay Isis at Osiris. Sa kuwentong ito naipapakita kung gaano kahalaga ang pagmamahal at pamumuno nang tama sa mga Aprikanong naniniwala rito.Â
- Ang mitolohiyang Aprikano ay may maraming mahihiwagang karakter tulad ng puno, bundok, bato, lupa, at iba pa.
Mitolohiya ng Persia
- Sinasalamin ng mga mitolohiyang Persia ang kaugalian ng lipunang kinabibilangan ng Persia, kung kaya’t madali itong matugon ng mambabasa.Â
- Kadalasang tema nito’y pagkakaiba ng mga mabuti at masasamang gawain, ang mga moral at mga desisyon ng diyos, mga makapangyarihang mga bayani, at mga supernatural na mga nilalang.
- Sakop ng mitolohiyang Persia ang mga kuwento ng mga bansang Iran, Turkey, Syria, Israel, Jordan, Lebanon, Armenia, Azerbaijan, Egypt, Afghanistan, Turkeminestan, Pakistan, at ibang parte ng Russia, Greece, Saudi Arabia, at India.
Mitolohiya ng Griyego
- Ang mitolohiyang griyego ang pinakasikat na mitolohiya sa buong mundo sapagkat napakaraming libro at pelikula ang hango sa mga karakter ng mitolohiyang ito. Dito matatagpuan ang mga Titans, mga uri ng indibidwal na mas mataas pa kaysa sa mga Olympians.Â
- Ang mga diyos ng mitolohiyang Griyego ay may kinauukulang pinamumunuan na naaayon sa kanilang galing. Halimbawa dito’y sina: Zeus, diyos ng kidlat, Poseidon, diyos ng karagatan, Hades, diyos ng impiyerno o underworld, Athena, diyosa ng katalinuhan, Aphrodite, diyosa ng kagandahan, at Hermes, diyos ng pakikipagtalastasan.
- Bukod rin sa mga Olympians at Titans ay ang mga demigods, na bunga ng isang diyos/diyosa at isang mortal. Halimbawa nito’y sina: Hercules, Perseus, Achilles, Orpheus, at Theseus.