Sa paglapat ng makamodernong pagbabago sa pang-araw-araw na buhay, hindi maikakailang may napakalaking ambag ang konsepto ng ekonomiya sa pagpabubuti ng lipunan. Upang lubusang maintindihan, ang ekonomiya ay ang pangkalahatang gawain ng pangkat ng mga tao, konstitusyon, pamayanan, at institusyon na may koneksyon sa paggawa at paghahandog ng mga serbisyong kinakain at tinatamasa ng mga mamamayan sa isang bayan o bansa. Sapagkat magkaugnay ang estadong pinansyal at ang ekonomiya ng isang bansa, kadalasa’y nalalapat ang ekonomiya bilang indikasyon ng sitwasyong pangkabuhayan nito.
Napakalawak ang saklaw ng ekonomiya. Dahil rito, napakaraming konsepto’t palaisipan ang umuusbong upang tangkain ang paglalagay ng mga depinisyon nito, lalo na sa sektor ng lipunan.
Sa babasahing ito, tatalakayin at matutunan natin ang mga sektor ng ekonomiya.
Sektor ng Agrikultura (Primaryang Sektor)
Ang sektor ng agrikultura ay tumutukoy sa industriya ng agrikultura, kabilang ang paglilinang (cultivation) ng mga pananim at pagsasaka ng hayop. Kasama rito ang paglilinang ng mga halaman at hayop, at paggawa ng mga produktong nagmula sa mga halaman at hayop.
Gumagamit ang modernong industriya ng agrikultura ng iba’t ibang mga diskarte, kabilang ang mga proseso ng mekanikal tulad ng pag-aani, at mga proseso ng kemikal tulad ng pagpapabunga, pestisidyo, mga pamatay-damo, at mga diskarteng transgenic.
Ang pagsasagawa ng agrikultura ay mayroon ding maraming implikasyon sa lipunan, dahil tinutukoy nito ang uri ng lipunan na ating ginagalawan, ang pamumuhay, at ang pagkakaugnay sa isa’t isa.
Basahin ang kabuuan ng Sektor ng Agrikultura sa ibaba.
Sektor ng Industriya (Sekondaryang Sektor)
Ang sektor ng industriya ay responsable para sa paggawa ng mga kalakal at serbisyo, na ginagamit sa iba’t ibang mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay isang sektor na nagbibigay ng mga input sa iba pang mga sektor ng ekonomiya. Tinatawag din itong sektor ng pagmamanupaktura o manufacturing sector.
Tinukoy ng mga ekonomista ang “sektor ng industriya” bilang isang pangkat ng mga industriya na gumagawa ng kalakal sa mga pabrika sa pamamagitan ng paggamit ng hilaw na materyales. Ang mga kalakal na ito ay ginagamit bilang mga input sa iba pang mga industriya. Halimbawa, ang karamihan sa mga pabrika ng damit ay gumagamit ng tela at mga sinulod mula sa iba pang mga pabrika.
Basahin ang kabuuan ng Sektor ng Industriya sa ibaba.
Sektor ng Paglilingkod (Tersiyaryong Sektor)
Panlabas na sektor
Ang panlabas na sektor ng ekonomiya’y nakapokus sa komunikasyon ng bansa sa usapang kalakalan sa ibang mga bansa. Ito ang inatasan na gumabay sa paglalabas at pagpapapasok ng mga produktong bibilhin ng mga mamimili. May malaki itong kahalagahan hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kung hindi ay pati na rin sa mga mamimili: hindi lahat ng mga produkto ay matatagpuan sa isang bansa. Hindi rin magkapareho ang antas ng pagiging bihasa ng mga bansa sa teknolohiya, agrikultura, putahe, siyensiya, at estratehiya ng produksyon. Kinakailangang magkaugnay ang mga bansa upang magkaroon ng mabilis at mainam na kalakalan ng mga produkto.
Impormal na sektor
Ayon sa teoryang pang-ekonomiya, ang impormal na sektor ay ang bahagi ng isang ekonomiya na binubuo ng dalawang uri ng mga gawaing pangkabuhayan: (1) iligal na gawaing pang-ekonomiya, at (2) mga gawaing pangkabuhayan na hindi pa ginawang pormal.
Ang isang halimbawa ng unang kategorya ay ang pagharap sa droga; isang halimbawa ng pangalawa ay isang nagtitinda sa kalye-pagkain. Ang impormal na sektor ay maaari ding tawaging black market.
Hindi masasabing tama ang pag-analisa ng isang ekonomiya kapag hindi nasali ang impormal na sektor ng ekonomiya: ang sektor ng kagipitan, lalo pa’t isa itong global phenomenon. Dahil napakaraming mga rason at palaisipang nakabatay rito, hindi masyadong nababahagi kung ano ang impormal na sektor. Mahirap matansiya ang bilang ng mga nakapaloob dito sapagkat ito ang sektor ng ekonomiyang hindi nabigyan ng pormal o dokumentong nagsisilbing pagkilala mula sa pamahalaan. Dahil dito, hindi naisasali sa GDP ng bansa ang impormal na sektor.
May mga katangian itong tinataglay:
- Hindi rehistrado sa pamahalaan;
- Walang buwis na binabayaran ang kita; at
- Hindi saklaw ng legal na balangkas na naitatag ng gobyerno patungkol sa pagnenegosyo.
Pabirong tawag sa impormal na sektor ang sektor ng kagipitan sapagkat kadalasan itong ginagawa ng mga mamamayang hirap makahanap ng trabahong kayang tustusan ang kanilang araw-araw na pangangailangan. May mahahalagang epekto ng impormal na sektor na kinakailangan malaman:
- Mas mababang halaga ng nalikom na buwis;
- Kawalan ng proteksyon sa mga mamimili; at
- Paglaganap ng ilegal na gawain.
Ang pagkakaroon ng isang impormal na sektor sa ekonomiya ng isang umuunlad na bansa ay hindi isang bagay na maaaring balewalain. Sa katunayan, masasabing ang impormal na sektor ay may napakahalagang papel na gagampanan sa kaunlaran ng isang bansa.