Mapa ng Pilipinas

|

Ang malayang Republika ng Pilipinas ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya na nagtataglay ng pitompu’t libo, isang daan at pitong (7,107) isla na sumusukat humigit kumulang tatlong daang libong (300,000) kilometerong kuwadrado ang kalawakan.

Ang pangalang Pilipinas ay nabuo buhat ng isang kastilang manlalayag na si Ruy Lopez de Villalobos, na pinangalan ang bansa sa ilalim ng pangalan ng kasalukuyang hari ng Espanya noong taong 1542. Ang arkipelago ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong pinakamalalaking isla: ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Mapa ng Pilipinas: Luzon

Ang Luzon ang pinakamalaking isla sa tatlo, at ang matatagpuan sa pinakahilagang parte ng bansa. Ito rin ang siyang dahilan kung bakit ito’y tinawag na Luzon—hango sa salitang tagalog na kalusunan, na ang ibig sabihin ay pinakahilaga. Dahil ito ang may pinakamalaking lugar (apatnapu’t dalawang libo, apat na raan at limampu’t walong (42, 458) kuwadradong kilometro), ito ang may pinakamaraming populasyon.

May walong rehiyon ang nakapalagay sa Luzon habang nakahati naman ito sa apat na malalaking grupo: ang Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, at ang National Capital Region. Sa NCR matatagpuan ang sentro ng kalakalan, pakikipagtalastasan, kultural na pagkakakilanlan, at pagdaloy ng pera ng bansa.

Mapa ng Pilipinas: Visayas

Ang Visayas ang gitnang isla ng Pilipinas, at ang pinakamaliit na isla sa tatlong isla ng Pilipinas. Ang isla ng Visayas ay binubuo ng mga maliliit at maraming mga isla na magkakalayo. Ang Visayas ay nanggaling naman sa makapangyarihang emperyo ng Malay na tinatawag na Srivijaya, na noong unang panaho’y pinamumunuan ang mga piling parte ng isla.

Tatlong rehiyon lamang ang bumubuo sa Visayas, at ang mga ito’y ang Western Visayas, Eastern Visayas, at Central Visayas. Sa isla ng Visayas matatagpuan ang naggagandahang mga dagat at white sand. Dito rin matatagpuan ang sikat na Boracay Island, na dinarayo ng samu’t saring mga turista saang panig man sa mundo.

Mapa ng Pilipinas: Mindanao

Ang panghulihang isla ay ang Mindanao, ang ikalawang pinakamalaking pangunahing isla ng Pilipinas. Ang Mindanao ay ang islang matatagpuan sa pinakatimog na bahagi ng Pilipinas. Nanggaling ang pangalang Mindanao sa malainsultong tawag ng mga espanyol sa mga taong naninirahan sa Maguindanao.

Ang Mindanao ay nahahati sa anim na rehiyon: ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao, Soccsksargen, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). 

+1
1
+1
4
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email