Narito ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pangarap. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Si Mariang Mapangarapin
Maganda, matalino, masunurin, at maunawain si Maria. Dahil rito’y kinagigiliwan siya ng lahat, lalo na ng mga kalalakihan. May isang problema nga lang: masyado siyang mapangarapin.Â
Mahihinuhasa kwento na kahit na magandang mangarap, ang sobrang pangangarap ay nakasasama pa rin. Dapat isipin ng taong dapat ay hindi muna magdiwang sa bagay na walang kasiguraduhang dadating.
Regalo sa Guro
Napakalungkot ni Ben sapagkat wala siyang maibibigay sa kanyang guro sa pasko dahil dukha lamang sila. Dahil rito’y binigyan pinayuhan siya ng kanyang ina ng pinakamainam na regalo na maibibigay niya sa guro. Sinunod ito ni Ben at kinakabahang binigay sa kaniyang guro hanggang sa nakita niya ang reaksyon nito pagkatanggap ng regalo.Â
Ang kwento’y kapupulutan ng aral na higit na gusto ng mga tao ang sentimental na halaga ng isang bagay kaysa sa maperang halaga nito. Matututunan din na wala nang mas ikasasaya pa para sa mga guro ang mga mabuting mag-aaral.Â
Pangarap o si Inang?
Labis ang lungkot at pighati sa puso ni Aling Neneng nang kanselahin ng kanyang anak na si Juana ang pag-uwi sa probinsya sa araw ng pasko dahil sa trabaho nito. Napakarami niyang niluto sa Noche Buena ngunit wala ang kaniyang anak na hindi niya naman mapipilit na umuwi sapagkat ginagawa ito ng kaniyang pinakamamahal na anak upang matupad ang kanyang mga pangarap. Mahinang umiiyak si Aling Neneng na naghihintay sa pagdating ng pasko nang may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay.
Ang kwento’y makapagpupulot ng aral na ang pamilya’y kailanman ay hinding-hindi tatalikod at bagkus ay susuporta sa lahat ng mga gawain. Walang pangarap ang mas masarap pa kaysa sa makapiling ang mga taong mahal mo.Â