Narito ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pamilya. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Ang Inang Matapobre
Ang kwento ay umiikot sa buhay ni Aling Osang at ang kanyang anak na si Monching. Si Monching ay matagumpay sa buhay dahil sa ito’y may mataas na katungkulan sa trabaho at topnotcher pa sa board exam—dahilan upang tumaas ng husto ang ambisyon ni Aling Osang sa mapapangasawa nito. Hindi babagay sa anak mahirap na mga babae!Â
Maraming inayawan si Aling Osang na mga babae kung kaya’t ganun nalang ang kanyang pananabik nang magbunga ang lahat ng ito at naging kabiyak ni Monching ang mayamang anak ng kanyang boss. Ngunit, bakit parang hindi masaya si Aling Osang?
Tinuturo ng kwentong ito na hindi kailanman mahihigitan ng pisikal o perang yaman ang busilak na kalooban. Ang pera ay naiipon ngunit ang kabaitan ay hindi maiaalis sa tao.
Ang Alkansya ni Boyet
Tinatalakay ng kwento ang buhay ng isang simpleng batang si Boyet, mapagmahal sa pamilya at isang responsableng anak. Alam nito ang hirap ng kanilang pamilya: ang kanyang ama ay isang magsasaka sa inuupahang lupa at ang kanyang ina nama’y maybahay na minsan ay nagtitinda sa palengke lamang. Apat silang magkakapatid kung kaya’t laking takot ng mga magulang niya nang nasira ang kanilang mga pananim dahil sa bagyo at wala silang mapagkukunan ng pantustos sa pang-araw araw na buhay. Makapag-aaral pa kaya si Boyet?
Inibabahagi ng kwento ang asal na kung marunong mag-ipon o mag konserba ang isang tao ay may maidudukot ito sa panahon ng tagtuyot o kahirapan. Dapat ay isipin ng tao ang kanilang kinabukasan at hindi lamang mabuhay ng waldas sa kasalukuyan.
Isang Aral Para Kay Armando
Bagama’t bata ay malikot at makulit na si Armando. Napakaraming tanong ang tinatanong nito sa kanyang ina at ang isa na rito’y kung bakit napakaraming pinagbabawal sa kanya. Para sa kanya’y matanda na siya’t hindi na tama ang pambabakod ng kaniyang nanay sa kanyang mga gawain. Sinubok niya ito nang lumangoy siya sa ilog ng may napakalakas na agos, kahit na mahigpit na bilin ng kaniyang inay na huwag itong gawin.
Ang kwento’y isang napakalaking representasyon na tayo’y dapat sumunod sa ating mga magulang sapagka’t sila ang mas nakaaalam at nais lamang nilang mapabuti ang ating buhay. Itinuturo rin ng kwento na tayo’y dapat may malapit na relasyon sa Diyos na ating sinasamba.