Narito ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa pag-ibig. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Nakalbo ang DatuÂ
Ang kwentong nakalbo ang datu ay nakaikot sa buhay ng isang mabuting datu, na inuna ang pagsisilbi sa kanyang mga nasasakupan kung kaya’t tumanda itong walang kabiyak. Dahil rito’y kinakailangan niyang mag-asawa kaagad upang magkaroon ng tagapagmana at hindi naman siya nabigo sapagkat nakapag-asawa siya ng dalawang mabuting babaeng tunay siyang mahal. Masayang masaya ang hari sa kanyang buhay-asawa hanggang sa nakita niya ang kanyang sarili: siya’y naging kalbo!
Mapupulot sa kwento ang aral na hindi dapat ang panlabas na anyo ang basehan ng isang tao kung magmamahal. Sa pagdadagdag, may ibang paraan pa ng pagpapakita ng pagmamahal bukod sa paggawa ng mga bagay na ikasasaya mo lamang.
Ang Nawawalang PrinsesaÂ
Ang prinsesa ng kaharian ay palaging nawawala gabi-gabi kung kaya’t laking takot na lamang ng hari na hindi niya alam saan sumusuot ang kanyang anak sa gabi. Sa kadahilanan ding ito ay inanunsyo niyang ipakakasal niya sa kanyang anak ang sinumang makapagbibigay ng tamang sagot sa lokasyon o lugar ng prinsesa sa bawat gabi. Napakaraming nabigo at sumuko bukod na lamang sa isang lalaki, na pumunta pa sa isang mangkukulam upang matulungan siyang magtagumpay.
Itinuturo ng kwento ang aral na ang tao’y dapat maghintay sa tamang panahon, kahit na gaano katagal nito. Walang magagandang bagay o pangyayari ang naibibigay nang madali.
Si Wigan at si Ma-I
Ang kwento ni Wigan at ni Ma-I ay isang kwentong bayan na kung saan ay laganap ang digmaan ng Banaue at Mayaoyao. Si Wigan ay ang anak ng hari ng Banaue at si Ma-I nama’y anak ng hari ng Mayaoyao. Ang mga pangyayari ay biglang nag-iba nang sa minsay pagtagpo ng dalawa’y nabuo ang pag-iibigan ng isa’t-isa.Â
Makikita sa kwento ang aral na mas may mabuting paraan pa upang masolusyonan ang mga problema’t away kaysa sa dahas. Ang tamang komunikasyon ay makapagtitigil ng mga pinakamadugong labanan.