Liham Pasasalamat

0 238

Halimbawa ng Liham Pasasalamat #1

1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992

Mahal kong Maritess,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos ako sa Mababang Paaralan.

Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita.

Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Nagmamahal,

Christer James Villafranca

Mula sa: Answers

Halimbawa ng Liham Pasasalamat #2

333 Bagares Street
Purok-3 Poblacion
Manticao, Misamis Oriental

Marso 17, 2011

Gng. Sunshine Jean L. Garcia
777 Mumoy Street,
Barangay SarayIligan City,
Lanao del Norte

Gng. Garcia:

Tanggapin po ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong pagdalo sanatatanging araw ng debut ng aming anak na si Maria Thia Jane Jalalon sa CheradelSuites Celebrity Dome.
Habang buhay po naming tatanawing utang na loob ang pagpapaunlak ninyo saaming imbitasyon bilang pangunahing mga isponsor.

Lubos na sumasainyo,

PRINCE CLIFFORD O. MACASERO

Mula kay: Kakashi Zitro

Leave A Reply

Your email address will not be published.