Liham Pangnegosyo: Kahulugan at Halimbawa

|

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na liham mula sa isang negosyo patungo sa iba pang mga negosyo o kaya naman ay sa mga kliyente, kasosyo, kostumer, o iba pang mga nasabing partido. Ang format ng liham pangnegosyo ay nakasalalay sa kung sino ang mga kasangkot na partido.

Ang mga pangunahing bagay na isasaalang-alang habang nagsusulat ng isang liham pangnegosyo ay ang layunin nito, kanino ito dapat ipadala, ano ang mga posibleng resulta nito, at ang pangkalahatang format ng liham. Ilan sa mga pinakakaraniwang format ay ang margin, font, nilalaman ng katawan, haba ng mga linya, at pagbibigay-katwiran. Maaari mo ring piliing ipasadya ang laki ng font at magtakda ng iba’t ibang mga lapad depende sa nais mong sukat at layo ng mga linya.

Mga Aspeto ng Liham Pangnegosyo

Tingnan natin ang iba’t ibang mga aspeto na dapat alalahanin sa pagsulat ng isang liham.

Kapag nagsulat ka ng isang liham pangnegosyo, ang unang aspeto ay ang layunin nito. Ano ang nais mong maging resulta mula rito? Ito ba ay isang pagbebenta o isang aplikasyon ng pag-utang? Kung ito ay isang aplikasyon ng pag-utang, kailangan mong tiyakin na malinaw at tama ang iyong format upang hindi malito ang mambabasa ng iyong liham.

Ang lahat ng impormasyon sa iyong liham pangnegosyo ay dapat nakasulat sa isang maayos at propesyonal na pamamaraan. Nakatutulong ito upang makalikha ng magandang impresyon mula sa mga mambabasa na siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng iyong negsosyo.

Bago ka magpatuloy sa pagsusulat ng liham, dapat mong tiyakin na nasa iyo ang kumpletong impormasyon ng iyong susulatan. Halimbawa nito ay ang pangalan ng kumpanya, sino ang supervisor sa lugar na iyon, at ano ang address ng kanilang opisina.

Panghuli, dapat lagi mong tatandaan na maging magalang sa pagtugon sa mga liham ng mga nais na makipag-negosyo sa iyo. Maaari kang magdagdag ng isang maliit na sugnay sa dulo ng liham kung saan ay maaari kang magpasalamat sa pagbasa nila sa iyong liham at pagdaragdag na rin ng iyong address. Ang mga naturang pormalidad ay tiyak na makakatulong upang mas maunawaan ng tatanggap ang nilalaman ng iyong liham pangnegosyo.


Halimbawa ng Liham Pangnegosyo

Ang mga halimbawa ng liham pangnegosyo na nakasulat sa ibaba ay orihinal na gawa ng manunulat ng Gabay.

21B Baker St.

Disyembre 1, 2010

Bb. Kara T. Sutami

Librarian

Alcaduiraum High School

Arka Ave, Llan Harran

Mahal na Bb. Sutami:

Masigasig na Araw!

Ako po’y isang mag-aaral sa kolehiyo at kasalukuyan po akong gumagawa ng synthesis research na isang rekitos sa asignaturang Biology 111 na aking kinukuha ngayon. Napag-alaman ko pong nakalagay sa inyong silid-aklatan ang mga saliksik ng mga alumni ng inyong paaralan. Nais ko po sanang humingi ng pahintulot na gumamit ng inyong silid-aklatan ng isang buong araw ngayong darating na Biyernes. 

Umaasa po ako sa inyong maagap at malugod na pagtanggap sa aking kahilingan. Maraming salamat po sainyo at sainyong institusyon!

Lubos na gumagalang,

Carmencita L. Quezon

+1
0
+1
0
+1
0
+1
6
+1
1
+1
3
+1
1
Follow by Email