Liham Pangkaibigan

0 36

Halimbawa ng Liham Pangkaibigan #1

54 Matatag St. Purok 6,
Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,

Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.

Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.

Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilang isang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at nakakatulong din sa aming pamilya.

Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan,

Airine

Mula kay: Airine de la Cruz

Halimbawa ng Liham Pangkaibigan #2

Heritage Homes
Block 103 Lot 21,
Trece Martires, Cavite
Ika-26 ng Hunyo,Taong 2009

Mahal Kong Brian,

Kamusta ka aking kaibigan? Sana ika’y nasa mabuting kalagayan at patuloy pa ding nananalig sa Diyos.Matutuwa ako lalo sayo kung ika’y patuloy pa ding nagpapasaya ng mga tao sa paligid mo. Sadyang hindiko pa din makalimutan ang ating mga masasayang araw noong tayo’y magkakaklase pa. Malugod kokayong inaalala simula ng tayo’y magkahiwahiwalay.

At kung ako nama’y iyong tatanungin, tila’y tumatanda at lumalaki pa din akong malusog at inaalagaan padin ang aking sarili. Wala namang bago sa akin ngayon, kung ano ako dati’y ay ganun parin naman aqh; sapagiisip, sa paguugali maging sa pananamit, at ito na, nais kitang balitaan sa aking matuwirangpagpapapayat ngayon. SlenFit ang aking iniinom at ang pageeehersisyo sa gym ang akingpinagkakabalahan. Abayy! Sadyang kaytagal din ng ako’y nabulag sa mga pagkaing sagana sa kolesterol. Sabagay ay hindi ko naman ito pinagsisishan, kundi dahil dito, hindi ako matututong disiplinahin at mulatinang aking sarili.

Kinasasabikan ko ang muli nating pagsasamasamang magkakamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

Ana Karenina Marasigan

Mula kay: Sam Makhulit

Leave A Reply

Your email address will not be published.