Liham Pagbati

0 316

Halimbawa ng Liham Pagbati #1

885 Coronado St.
Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992

Mahal naming Rosa,

Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo’y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral,
6-Molave

Mula sa: maybenow

Halimbawa ng Liham Pagbati #2

Kumusta? Kailan na nga ba yun? Ahmm… hindi ko na maalala. Pero ang hindi ko nakakalimutan ay ang araw na inilabas ka dito sa mundong ibabaw. Actually, last week pa nagpapambuno ang kaisipan at mga daliri ko para buuin ang paskil na ito. Nakakatulugan ko na nga sa gabi ang pag-iisip ng kung ano ang gusto mong regalo. Yearly kasi ay kinakalkal ko ang kakikayan ng iyong sangkatauhan para sa mga gift na ibibigay ko kahit na hindi naman nakakarating sayo. Naipon na nga sila. Yung iba dahil sa sobrang ganda e nagamit ko na. Ahaha!

Ano ba ang pinaglaanan ko ng oras at panahon? Wala eh, wala kang regalo ngayong taon mula sa akin. Opps! huwag magtampo dahil ang naisip ko ay para sa pretty little angel mo. Cencia na ha di ko na kasi alam kung ilang taon na sya kaya sana kapag nakarating(sana) e magkasya. Goodluck sa akin sablay na pagtantya. Tagal na rin natin di nagkita ano? Malay natin isang araw e maligaw ka sa paskil ng kamalayan ko. O kaya naman e isang araw magkabanggaan tayo ng balikat habang naglalakad sa mall sa may Ortigas.

O paano ba yan? Kahit na wala na tayong ugnayan, saan ka man ngayong araw ng iyong kaarawan, ang wish ko ay matupad ang lahat ng wish ng mga nagwish para sayo. Ahm, naguluhan ka ba? Ako din eh.

Dalawang tulog pa pero uunahan ko na baka kasi mamaya e mapalampas ko pa.

Happy birthday Thinay! Shmimy, hacuna matata!

Mula sa: diwangtanglaw

Leave A Reply

Your email address will not be published.