Liham Paanyaya

0 39

Halimbawa ng Liham Paanyaya #1

House No.2314,St.Kayamanan
Bagong Bantay ,
Lungsod ng Quezon
Ika-9 ng Desyembre

Mahal kong Claridad,

Kamusta ka na diyan? Balita ko lumipat kayo ng tirahan diyan sa Ilocos Norte. Dito sa lungsod ay napaka-ingay.Gusto ko ringmanirahan sa probinsya pero sa hirap ng buhay kailangan ni Tatay Nathaniel na magtrabaho ng Taxi driver para mapakain niyakami at makapagtapos ng High School man lang.

Oo nga pala, malapit kong nakalimutan. Sabi ni Nanay Sierra na Christmas Program namin sa barangay at ang tatay Toby ang panauhing tagapagsalita.Nalaman ko kay nanay mo na ang Christmas vacation niyo ay magsisimula sa Dec.14.E h, gusto ko sanang sumama ka kay tatay Toby para magkasama tayong ipagdiriwang ang pasko.

Ang iyong pinsan,
Tony

Mula kay: jmartirosin

Halimbawa ng Liham Paanyaya #2

Bucal National High School
Bucal 2, Maragondon, Cavite
Agosto 7, 2002

G. Arturo S. Cabuhat
Education Program Specialist II for Filipino
Bureau of Secondary Education
Meralco Avenue, Pasig City

Mahal na G. Cabuhat:

Ang Kapisanan ng Diwa at Panitik po ng aming paaralan ay magtataguyod ng isang kombokasyong pangwika bilang paggunita sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ang nasabi pong gawain ay isasagawa sa Agosto 30, 1998 sa bulwagan ng aming paaralan sa ganap na sa ganap na 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Ang paksa po ng nasabing kombokasyon ay ang Wikang Filipino sa Darating na ika – 21 Siglo. Batid po naming ang inyong kasanayan at kahandaang talakayin ang nabanggit na paksa. Sanhi po nito, ipinaabot po namin sa inyo ang isang malugod na paanyayang kayo ay aming aming panauhing tagapanayam.

Umaasa po kami na hindi ninyo bibiguin ang aming paanyayang ito. Sana po ay matanggap naming ang isang maagapang tugon mula sa inyo.

Gumagalang at Nagpapasalamat,

Joselito P. Santos


Leave A Reply

Your email address will not be published.