Ano ang Kambal Katinig at halimbawa nito

|

Ang kambal-katinig o klaster (cluster sa Ingles) ay isang uri ng pagkakabuo ng salita. Matatawag na kambal-katinig ang isang salita kapag ito ay binubuo ng magkadikit na dalawang katinig na mabibigkas sa isang pantig. 

Halimbawa ng kambal katinig

Upang mas maintindihan, narito ang mga halimbawa:

  1. Blusa (Blu-sa)
  2. Krayola (Kra-yo-la)
  3. Pluma (Plu-ma)
  4. Glosaryo (Glo-sar-yo)
  5. Prito (Pri-to)
  6. Komiks (Ko-miks)
  7. Granada (Gra-na-da)
  8. Mekaniks (Me-ka-niks)
  9. Tsokolate (Tso-ko-la-te)
  10. Trapo (Tra-po)
  11. Trilyon (Tril-yon)
  12. Braso (Bra-so)
  13. Grasya (Gras-ya)
  14. Kwarto (Kwar-to)
  15. Kwaderno (Kwa-der-no)

Sa paglilinaw, magiging kambal-katinig lamang ang isang salita kung matatagpuan ito sa magkaparehong pantig. Importanteng alamin muna ang pagpapantig ng mga salita upang mas madaling matukoy ang mga klaster na salita.

Halimbawa ng kambal katinig sa pangungusap:

  1. Ang salitang petsa (pet-sa) ay hindi isang klaster sapagkat magkahiwalay ang pantig nito.
  2. Ang salitang palda (pal-da) ay hindi rin isang kambal-katinig dahil hindi nakapaloob sa magkaparehong pantig ang titik ‘l’ at ‘d’. 
  3. Ang salitang muwebles (mu-web-les) ay hindi klaster sa kadahilanang magkahiwalay ang pagkakabigkas ng ‘b’ at ‘l’.
  4. Ang salitang tigre (tig-re) ay hindi maaaring maging isang kambal-katinig dahil hindi mailalagay sa isang pantig ang dalawang katinig nito.
  5. Ang salitang negosasyon (ne-go-sas-yon) ay hindi rin isang klaster. Kadalasan itong nagiging karaniwang kamalian ng mga nakararami sapagkat mabilis ang pagbabaybay ng salitang ito. 
+1
1
+1
0
+1
0
+1
1
+1
2
+1
0
+1
1
Follow by Email