Ano ang bugtong? Kahulugan at mga halimbawa nito

Ang bugtong o riddle ay pangungusap o katanungan na may nakatagong kahulugan na isinasaad upang lutasin. Gumagamit ito ng metapora para maisalarawan ang mga bagay na nabanggit. Ito rin ay ihinahanay nang patula at karaniwang itinatanghal bilang isang laro.

Para mahulaan at masagot ang mga bugtong kailangan itong gamitan ng talas ng isip at maingat na pagninilay-nilay. Kadalasan, ang sagot ay maaaring mahulaan gamit ang mga bagay na mismong nakasaad sa loob ng bugtong.

Uri ng bugtong

Mga katangian ng bugtong

  • Sukat
  • Tugma
  • Talinghaga/talino

Iba pang tawag sa bugtong

  • Palaisipan
  • Talinhaga na may nakatagong kahulugan
  • Pahulaan
  • Paturuuan
  • Puzzle

Halimbawa ng mga bugtong at mga sagot nito

Bugtong Sagot sa bugtong
Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad. saraggola
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. siper
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. kandila
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. kampana o batingaw
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. kubyertos
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. palaka
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. baril
Maliit na bahay, puno ng mga patay. posporo
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ampalaya
Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. ilaw
Basahin din ang:  Ano ang epiko? Kahulugan, katangian, at mga halimbawa

Pagsasanay: Alam mo ba ang sagot sa mga bugtong na ito?

Iba pang pwedeng basahin

Ano ang alamat? Kahulugan, katangian, at mga halim... Ang alamat o legend ay isang uri ng tradisyonal na...
Buod ng El Filibusterismo Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pag...

Leave a Comment