Ang balangkas o outline sa salitang Ingles ay ang kalipunan ng mga salita at pangungusap na nagtataglay ng pagkakasunod-sunod ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin.
Ang balangkas ay isang sistema ng organisadong pagtatala ng mga punto o mga paksa na bumubuo sa isang komposisyon, pananaliksik, ulat, presentasyon, o anumang uri ng akademikong sulatin. Layunin nito na gawing mas masusi at masinop ang pagkakaayos ng mga paksa, upang mas madaling maintindihan at masundan ng mga mambabasa.
Mga Uri ng Balangkas
Mayroong iba’t ibang uri ng balangkas na maaaring gamitin depende sa layunin at pangangailangan:
- Balangkas na Pampaksa (Topic Outline)
- Binubuo ito ng mga pangunahing paksa, sub-paksa, at mga detalyeng nakatala sa anyong parirala o keyword lamang.
- Halimbawa:
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
A. Para sa Indibidwal
1. Pagpapaunlad ng karunungan
2. Pagpapalawak ng karanasan
B. Para sa Lipunan
1. Ekonomiyang pag-unlad
2. Pagkakaroon ng maayos na pamayanan
- Balangkas na Pangungusap (Sentence Outline)
- Ang bawat paksa at sub-paksa ay binubuo ng buong pangungusap na nagpapakita ng kumpletong ideya.
- Halimbawa:
- Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang susi sa pag-unlad ng isang indibidwal at ng lipunan.
- A. Sa indibidwal na aspekto, ang edukasyon ay nagpapalawak ng karunungan at karanasan.
- 1. Ginagabayan ng edukasyon ang tamang pagdedesisyon at paglutas ng problema.
- 2. Nagbibigay ito ng pagkakataon upang maranasan at matutunan ang iba’t ibang kultura at ideya.
- B. Sa aspeto naman ng lipunan, ang edukasyon ay mahalaga sa ekonomiyang pag-unlad at pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
- 1. Tumutulong ang mataas na edukasyon sa paglikha ng mga trabahong may mataas na sahod.
- 2. Ang mga edukadong mamamayan ay nag-aambag ng positibong pagbabago at kalakasan sa komunidad.
- A. Sa indibidwal na aspekto, ang edukasyon ay nagpapalawak ng karunungan at karanasan.
- Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang susi sa pag-unlad ng isang indibidwal at ng lipunan.
Bakit Mahalaga ang Balangkas?
- Organisasyon ng mga Ideya: Tinutulungan tayong ayusin ang ating mga punto para madaling sundan at maintindihan ng mambabasa.
- Pagpapalinaw ng Layunin: Pinapayagan tayong masuri kung paano magkakaugnay ang mga bahagi ng sulatin at kung paano ito susundan upang marating ang pinakapunto.
- Iwasan ang Paglihis sa Paksa: Nagbibigay ng gabay upang manatiling nakatutok sa pangunahing paksa at maiwasan ang pagtalon-talon ng ideya.
- Pinaalwan ang Proseso ng Pagsusulat: Ginagawa nitong mas madali at mabilis ang pagsusulat dahil mayroon na tayong sinusunod na direksyon.
Paano Gumawa ng Epektibong Balangkas?
- Pumili ng Pangunahing Paksa: Tukuyin kung ano ang magiging sentral na tema o paksa ng iyong sulatin.
- Kilalanin ang mga Pangunahing Puntos: Tukuyin ang pangunahing ideya na nais mong talakayin kaugnay ng iyong paksa.
- Magdagdag ng Mga Sub-Punto: Ibigay ang mga detalye o supporting details ng bawat pangunahing ideya.
- Ayusin sa Loob ng Lohikal na Estruktura: Siguraduhing sumusunod ang pagkakasunod-sunod ng mga punto sa isang lohikal na daloy na madaling maintindihan.
Ang sumusunod ay iba pang mga halimbawa ng isang balangkas:
Halimbawa ng balangkas #1
I. Pamagat: Dumating si Kuting
II. Mga Tauhan: Kuting, Matsing, at Pagong
III. Tagpuan: Bahay
IV. Galaw ng Pangyayari:
A. Pangunahing Pangyayari: Nalungkot sina Matsing at Pagong dahil hindi na ibibigay sa kanila ang hiniling nilang kuting.
B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari: May narinig silang umiiyak sa labas ng kanilang bahay.
C. Karurukan o Kasukdulan: Nakita nila na mayroong grupo ng mga bata na nagpapaalis sa isang kuting.
C. Karurukan o Kasukdulan:Pinaalis nila ang mga bata at tinulungan ang kuting.
E. Wakas: Naging parte na ng kanilang pamilya si Kuting.
Halimbawa ng balangkas #2
Pamagat: Ang Leon at ang Lamok
Mga tauhan: leon, lamok, gagamba, iba pang mga hayop
III. Tagpuan: Kagubatan
IV. Galaw ng Pangyayari:
A. Pangunahing pangyayari: Sa isang kagubatan ay naninirahan ang mga hayop. Magkakasundo at mabuti ang mga hayop sa isa’t isa hanggang sa may dumating na isang mayabang na lamok.
B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari: Hinamon ng lamok ang leon dahil naniniwala ang lamok na siya ang pinakamalakas sa kagubatan.
C. Karurukan o Kasukdulan:Naglaban ang leon at lamok ngunit hindi siya matamaan ng leon dahil sa liit niya.
C. Karurukan o Kasukdulan: Nahuli sa sapot ng gagamba ang lamok.
E. Wakas: Kinain ng gagamba ang lamok at nanumbalik sa dati ang kagubatan.