Ano ang bahagi ng pananaliksik

|

Ang pananaliksik ay isang uri ng papel na may kahalagahan sapagkat ang resulta nito’y kritikal sa pagpabubuti ng pamumuhay. Hindi madaling gumawa ng papel pananaliksik: kinakailangang taglay ng isang papel ang tamang impormasyon at datos. Sa kadahilanang ito’y nabuo ang mga bahagi ng pananaliksik na siyang nagbibigay-linaw sa mga hakbang at prosesong kailangang sundin at gawin ng mga may-akda. 

May apat na kabanata ang isang papel pananaliksik: 

Kabanata 1: Suliranin at Kaligiran

Taglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod: 

  • Rasyunal – Taglay ang rationale ng may-akda, nasasagot ng parteng ito ang mga katanungan tungkol sa pinag-aaralang paksa at bakit ito pinag-aaralan. Ang kadalasang taas nito’y isa’t kalahati hanggang sa dalawang pahina. 
  • Paglalahad ng Suliranin – Taglay nito ang suliranin at ang mga layuning sasagutin o aabutin ng pananaliksik. Kadalasan itong nakasulat sa isang malawak na layunin at may kasunod na tatlo hanggang limang tiyak na layunin.
  • Kahalagahan ng Talakay – Taglay ng bahaging ito ang mga salitang may kahalagahan o kadalasang nagagamit sa pananaliksik. Dito ipinaliliwanag ang operational meaning ng isang salita sa kanilang pananaliksik sa halip na usual meaning nito.
  • Batayang Konseptwal – Taglay nito ang teoryang pagbabasehan ng mga may-akda sa pagbuo ng kanilang pananaliksik. Kaabikat ng teorya ay ang personal na pananaw ng may-akda at ang mga ideyang nais nitong bigyan ng diin.
  • Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral – Taglay nito ang saklaw o kahinaan ng pag-aaral. Nililinaw ng parteng ito ang lawak ng sakop ng pag-aaral. 

Kabanata 2: Metodo ng Pananaliksik

Taglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod:

  • Disenyo ng Pananaliksik – Taglay nito ang disenyong gagamitin ng pananaliksik (deskriptib, analitik, atpb.). Kinakailangan ito upang maitatag ang uri ng pananaliksik na gagawin ng may-akda. 
  • Respondente – Taglay nito ang lahat impormasyong kinakailangang banggitin sa mga respondenteng aaralin ng pananaliksik, kung paano sila pinili, at kung gaano karami ang kanilang bilang. Importanteng bigyan ng alias ang mga respondente upang masiguro ang kanilang privacy. 
  • Instrumento ng Pananaliksik – Dito pinapakita ang ginamit na questionnaire, tanong sa mga panayam, datos, o istatistikang gagamitin upang makakuha ng datos na makasasagot sa layunin ng pananaliksik. 
  • Tritment ng mga Datos – Taglay nito ang inisyal na pagsusuri ng datos na nakalap. Dito aanalisahin ang mga datos upang maikonekta sa layunin ng papel.

Kabanata 3: Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Taglay ng kabanatang ito ang mga sumusunod:

  • Pagsusuri – Taglay ng pangatlong akda ang bahagi ng pananaliksik na pinaliliwanag, sinusuri at inaalisa ang datos na nakalap. Sa parteng ito nagagamit ang mga batayang teorya’t mga panlipunang suliranin na nakapagdulot ng siyang datos.
  • Interpretasyon – Taglay nito ang bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng sariling pananaw o implikasyon sa resulta ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Kadalasa’y anyong bilang graph o ‘di kaya’y talahanayan na may kaakibat na tambilang, mas makukumbinsi nito ang mga mambabasa kung ang datos nito’y tama at makatotohanan. 
  • Paliwanag – Taglay ng paliwanag ang buod o lagom ng pagsusuri at interpretasyon na nabanggit sa unang bahagi ng ikatlong kabanata. 

Kabanata 4: Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

Taglay ng kabanatang ito ang comprehensive na resulta ng pananaliksik. Dito’y malinaw na inilalahad at inilalapat ng may-akda ang mga datos na nakalap at ang implikasyon nito. Sa parteng ito rin sinasagot ang mga suliraning nais na masagot sa unang bahagi ng pananaliksik.

+1
11
+1
2
+1
1
+1
1
+1
0
+1
0
+1
2
Follow by Email