Ano ang tula? Kahulugan, elemento, at mga halimbawa

Ang tula poem ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o stanza sa wikang Ingles.

Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

Mga elemento ng tula

Makikita rin na ang tula ay nagbibigay diin sa mga sumusunod na elemento:

  • Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o syllalbe ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
  • Saknong – ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
  • Tugma – sinasabing may tugma ang isang tula kung ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
  • Kariktan – kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang salita ang isang tula upang mapukaw ang damdamin at kaisipan ng mga mambabasa.
  • Talinhaga – ito ay isang sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may itinatagong kahulugan.

Ayon nga sa isang kilalang manunulat na si Edgar Allan Poe: ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan (Poetry is the rhythmical creation of beauty in words).

Basahin din ang:  Tula tungkol sa sarili

Mga halimbawa ng tula

Iba pang pwedeng basahin

Ano ang panghalip? Uri, kahulugan, at halimbawa ni... Ang panghalip o pronoun sa Ingles ay salitang ipin...
Kwentong bayan sa Visayas Ang Bundok ng Kanlaon Natatangi sa Negros ang bar...
Ano ang epiko? Kahulugan, katangian, at mga halimb... Ang epiko o epic sa wikang Ingles ay isang uri ng ...

2 thoughts on “Ano ang tula? Kahulugan, elemento, at mga halimbawa

Leave a Comment