Ano ang Tekstong Persweysib?

|

Ang tekstong persweysib ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa na tangkilikin o paniwalaan ang kanilang panig o pinaglalaban.

Salungat sa ibang uri ng teksto, ang persweysib ay magkahalong datos at opinyon ng may-akda, kung kaya’t ang mga tekstong katulad nito ay sobhetibo. Sa tekstong ito nasusukat ang kagalingan ng isang manunulat base sa kagalingan nitong manghikayat at makapagdala ng isang mambabasa patungo sa kaniyang panig. 

Ang mga patalastas, kampanya sa eleksyon, propaganda, marketing gimmicks, at networking ay iilan sa mga tekstong panghihikayat.

May tatlong elemento at pamamaraan ang tekstong persweysib o panghihikayat ayon sa mga librong iniwan ni Aristotle:

  1. Logos – Paggamit ng lohika, datos, siyensiya, saliksik, at impormasyon. 
  2. Pathos – Paggamit sa nararamdaman at emosyonal na karamdaman ng mga hinihikayat.
  3. Ethos – Paggamit ng karanasan, reputasyon, imahe, at kredibilidad. Ang panghihikayat na ito’y hindi hawak ng tagapaghikayat, bagkus ay hawak ng hinihikayat. Maaaring ang reputasyon mo sa isa’y matalino, habang sa isa nama’y bobo.

May pitong propaganda devices ang tekstong ginagamit sa panghihikayat:

  1. Name Calling – Ginagamit ang name calling sa pamamagitan ng pang-iinsulto at paninirang puri sa kalaban. Hindi ito propesyunal at ito’y kinasusuklaman sa propesyunal na paligid, ngunit laganap ito’t ginagamit maya’t maya, katulad na lamang sa pang-iinsulto ng isang kaklase sa kalaban nito sa pagkapresidente sa paaralan o paninira ng isang kabit sa asawa ng kanyang kinakasama. 
  2. Glittering Generalities – Mas kilala sa tawag na flattery¸ ginagamit ito sa pagliligo sa mga hinihikayat nito ng mga magagandang salita, parangal, at papuri hanggang tangkilikin ang panig o produktong sinususulong. Kadalasan sa mga papuring ito’y kasinungalingan o pagmamalabis, kung kaya’t kinakailangang maalam ang mga hinihikayat kung ano ang tama o hindi. 
  3. Transfer – Isa itong uri ng panghihikayat na kung saan ginagamit ang kasikatan ng isang personalidad o ahensiya upang pasikatin ang isang produkto o proyektong hindi masyadong kilala. Halimbawa nito’y ang endorsement deals ng mga sikat na artista kagaya ni Liza Soberano sa mga produktong hindi masyadong kilala. 
  4. Testimonial – Ang uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang sariling karanasan na maaaring may bahid ng pagmamalabis upang mahikayat ang ibang bumili tumangkilik ng isang ideya o proyekto. 
  5. Plain Folks – Ang pagsuot ng mumurahing damit at pagkilos kagaya ng mga regular na mamamayan ng isang bansa upang mabigyan ng sense of belongingness ang mga hinihikayat. Ito ay ang paggamit sa konsepto ng pagiging isang normal na kababayan upang mahikayat ang karamihan. Karaniwan itong ginagamit sa eleksyon, kagaya na lamang ng sikat na mga katagang ‘Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gilid ng kalsada?’ at ‘Nognog. Pandak. Laki sa hirap.’
  6. Bandwagon – Uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang kaisipan na ang pangkalahatan ay gumagamit na nito maliban sa hinihikayat. Nagbibigay ito ng pressure na kung saan ay sinasabing kinakailangang tangkilikin na rin ito ng hinihikayat dahil mapag-iiwanan ito.
  7. Card Stacking – Ito ang uri ng panghihikayat na kung saan ay hindi sinasabi ang mga masasamang dulot nito at sa halip ay binibigyan ng diin ang mga magagandang epekto nito, gaano man kaliit. Isang halimbawa nito ay ang mga patalastas sa alak, na hinihikayat ang pag-iinom pagkatapos magtrabaho ngunit sa katotohana’y nakasisira ito ng plano, nagdudulot ng sakit sa ulo kinaumagahan, at nagpapahina ng productivity level sa susunod na araw.

Halimbawa ng tekstong persweysib

  1. Mahalaga ang Edukasyon 
  2. Edukasyon: Susi ng Tagumpay

Sanggunian:

Cumawas, R. (2019). Tekstong Impormatibo. Nakuha noong Oktubre 31, 2020 sa https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830.

+1
0
+1
3
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email