Ano ang Sektor ng Industriya?

|

Ang sekondaryang sektor ng ekonomiya, o ang sektor ng industriya, ay ang sektor ng ekonomiya na kung isusunod ayon sa mapanahong proseso ay ang pangalawang hakbang. Sa sektor na ito makikita ang mga parte ng ekonomiya na nakapokus sa paggawa ng mga finished goods na nakuha mula sa primaryang sektor. Ang ambag ng sekondaryang sektor sa ekonomiya ay mga sumusunod na mga institusyon:

  1. Pagmamanupaktura (Manufacturing). Ang mga institusyong nakatuon sa pagmamanupaktura ay nakaatas sa paggawa ng mga produkto mula sa raw materials patungo sa finished product sa pamamagitan ng paglalapat ng physical  at chemical transformation sa mga raw materials. Halimbawa sa mga produkto nito ay ang mga biskwit, junk foods, cosmetics, at marami pang iba. 
  2. Konstruksyon (Construction). Nakapokus ang mga ito sa paggawa ng mga imprastakturang nagsisilbing proteksyon at bubong ng mga tao, kagaya ng mga kalsada, bahay, estruktura, at iba pang mga gusali. 
  3. Utilidad (Utility). Tinutukoy nito ang mga institusyong nakapokus sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa nito ay ang kuryente, tubig, at langis.
  4. Pagmimina (Mining). Saklaw rin ng sekondaryang sektor ang pagmimina. Dahil mahirap makuha ang purong likas na yaman na nakukuha rito, sinisigurado ng sektor ng industriya na puro ang mga yaman nakukuha sa minahan sa pamamagitan ng pagpo-proseso nito.

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya

Katulad ng unang sektor, may malaking halaga rin ang sektor ng industriya sa ekonomiya. Sa sektor na ito, nasisigurado ang mapanahon at mainam na beryson ng mga produkto upang mas mapadali ang pamumuhay ng mga tao. Sa pagdadagdag, nakapagbibigay rin ito ng trabaho–mula sa paggawa ng finish product at sa pagebenta ng mga produkto nito. Katulad ng unang sektor, nakapagpapapasok din ito ng dolyar sa bansa. 

Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod

Ang pangunahing sektor ng pang-industriya, na tumutukoy sa sektor ng paglilingkod ay nagsasama rin ng: Pananalapi, Seguro, Real Estate, Pamahalaan at Pamamahala ng Publiko, Pamamahala ng Supply Chain, Engineering, Pagkain at Inumin, at Iba Pang Mga Serbisyo sa Negosyo. Karamihan sa mga nakalista ay napaka pangkalahatan at sumasaklaw sa halos lahat ng mga aspeto na nauugnay sa industriya ng pagmamanupaktura.

May kasamang din itong Customer Service, Pangangasiwa, Pananalapi, Edukasyon, Administrasyon, Marketing, Pagbebenta, at Relasyong Publiko o Public Relations.

Gayunpaman, karamihan ay sakop sila sa ilalim ng iba’t ibang mga heading upang mas maunawaan ang kanilang partikular na likas na katangian. Halimbawa, sumasaklaw ang customer service ng isang malawak na hanay ng mga aktibidad tulad ng pagsingil, pag-order, pagkolekta, pagbati, pag-refund, at pakikipag usap sa mga hinaing ng indibidwal o costumer.

+1
6
+1
10
+1
6
+1
3
+1
1
+1
2
+1
2
Follow by Email