Ang replektibong sanaysay, o Reflective Essay sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinyon, karanasan, o pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. Ang replektibong sanaysay ay opinyonado at nagbibigay ng kalayaan sa may-akda na isulat ang kanilang opinyon at mga punto tungkol sa isang isyu na nanggagaling karansang personal nilang nakita o natamasa.
Sapagkat ang replektibong sanaysay ay nagbabahagi ng personal na opinyon sa isang personal na karanasan ay hindi ito maihahantulad sa isang talambuhay sapagkat iba ang punto’t pakay nito. Habang ang talambuhay ay nagnanais na magbahagi ng impormasyon tungkol sa personal na buhay ng may-akda, and replektibong sanaysay ay naglalayon na suriin, ipaliwanag, o katwiranin ang isang isyu base sa prinsipyong kanilang sinusunod.
Ninanais ng isang replektibong sanaysay na mabigyan ng importansiya ang iniisip ng may-akda sa isang isyu: kung tama ba ito o mali. Kadalasan ay nakadepende ito sa pamumuhay ng tao at ng lipunan. Ligtas isipin ang replektibong sanaysay ay ang proseso ng pagsusuri ng isang subhektibong paksa sa pinakamainam at obhektibong daan.
May mga konsiderasyon sa pagsusulat ng isang replektibong sanaysay. Ito ay ang:
1)Â Â Â Dapat ay nailalahad ang personal na interpretasyon.
2)   Isiping maigi ang mga datos na nakuha—kung ito bay may kredibilidad.
3)Â Â Â Siguraduhin na nakakukuha ng pansin ang unang bahagi ng sanaysay.
4)Â Â Â Sinasaklaw ng konklusyon ang lahat ng puntong natalakay sa sanaysay.
5)Â Â Â Hindi paligoy ligoy at naihandog ang mga punto sa pinakamadali at pinakamainam na paraan upang mas maintindihan ng mambabasa.
6)   Ang kabuuan ng sanaysay ay naglalaman ng iba’t ibang aspeto ng natamasang karanasan.
7)Â Â Â Nasigurado ang kalidad ng sanaysay sa pamamagitan ng maraming pag-edit.
Halimbawa ng Replektibong Sanaysay
1. Â Â Â Barrio Doctors
2. Â Â Â Pelikulang Bad Genius: Aral o Kopya
3. Â Â Â Pundasyon
4.    Kahalagahan ng Edukasyon
5. Â Â Â Replektibong Sanaysay