Ano ang pangatnig? Kahulugan at halimbawa nito.

|

Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ay isang kataga o salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Halimbawa ng Pangatnig:

at o habang ni
pero subalit ngunit datapwat
sapagkat kundi bagamat sana
kaya kapag kung maging
dahil kasi pati maliban
kung saan samantala kung gayon kung kaya

Mga Uri ng Pangatnig:

1. Pangatnig na Panimbang – ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. (at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, subalit)

Halimbawa:

Pupunta sana si Marie sa SM, ngunit nalimutan niyang dalhin ang kanyang pitaka.

2. Pangatnig na Pantulong – ito ay ang uri na nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. (kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil, sa)

Halimbawa:

Bibigyan ako ng baon ni nanay kapag natapos ko nang linisin ang aking kwarto.

3. Pangatnig na Pamukod – ito ay ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: (o, ni, maging, at man).

Halimbawa:

Maging ang presidente ay hindi sang-ayon sa sinabi ng senador.

4. Pangatnig na Panubali – ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan, gaya ng: (kung, kapag, pag, sakali, disin sana)

Halimbawa:

Hindi na matutuloy ang aming gala kung bumagyo.

5. Pangatnig na Paninsay – ito ay ang pangatnig kung saan sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito.

Halimbawa:

Siya pa rin ang mananalo sa patimpalak kahit na marami ang may ayaw sa kanya.

6. Pangatnig na Pananhi – ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.

Halimbawa:

Bumaha sa bahay namin sapagkat walang tigil ang pag-ulan.

7. Pangatnig na Panapos – ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.

Halimbawa:

Sa nangyayari sa ating bayan, dapat lahat tayo ay magkaisa!

8. Pangatnig na Panlinaw – ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:

Nahanap na ang kanyang nawawalang cellphone kaya makakahinga na siya nang maluwag.

9. Pangatnig na Pamanggit – ito ay gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: (daw, raw, di umano)

Halimbawa:

Si Olivia na daw ang magbabayad ng kinainan namin.

10. Pangatnig na Panulad – ito ay tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: (kung sino…siyang, kung ano…siya rin)

Halimbawa:

Kung sino ang unang makapagbigay ng pangungusap ay siyang mananalo sa larong ito.

+1
22
+1
4
+1
2
+1
4
+1
3
+1
3
+1
5
Follow by Email