Ano ang pang-ukol? Kahulugan at halimbawa nito

|

Ang pang-ukol o preposition sa Ingles ay mga salita o kataga na nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita o parirala sa pangungusap.

sa ng ni
nina tungkol sa tungkol kay
para sa para kay laban sa
laban kay ukol sa ukol kay
ayon sa ayon kay

Ang mga pang-ukol na may “sa” ay ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang ngalan ng tao, pook, bagay at mga panghalip.

Halimbawa:

para sa iyo ukol sa balita laban sa batas

ayon sa kanya tungkol sa kanila

Ang pang-ukol na may “kay” ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na ngalan ng tao.

Halimbawa:

para kay Tessie ukol kay Eddie laban kay Jose Rizal

ayon kay Gng. Tina tungkol kay Pres. Ramos

+1
2
+1
2
+1
2
+1
1
+1
0
+1
0
+1
1

1 thought on “Ano ang pang-ukol? Kahulugan at halimbawa nito”

Comments are closed.

Follow by Email