Ano ang pang-abay? Kahulugan at halimbawa nito

0 936

Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay salitang naglalarawan ng kilos o galaw. Ito ay nagsasaad kung saan, kung paano, at kung kailan ginawa ang isang kilos o galaw.

Uri ng Pang-abay

Pamaraan ito ay nagsasabi kung paano ginawa ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “paano.”

Halimbawa: Mabilis tumakbo ang kabayo ni Mang Juan.

Pamanahon ito ay nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “kailan.”

Halimbawa: Kumain ako kaninang umaga ng itlog.

Panlunan ito ang salitang nagsasabi kung saan ginawa o nangyari ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “saan.”

Halimbawa: Nagluluto sa kusina si Ate Ann.

Panggaano ito ay nagsasaad ng dami, lawak, timbang, bigat, halaga, o sukat ng pagsasagawa ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na “gaano.”

Halimbawa: Maraming puno ang pinutol ng mga illegal loggers.

Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagpayag ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng talaga, tunay, totoo, sigurado, at walang duda.

Halimbawa: Totoong natuwa sila nanay dahil nakakuha ako ng mataas na grado sa Filipino.

Pananggi ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng hindi, ayaw, huwag, at wala.

Halimbawa: Walang masulat na kwento ang tito kong manunulat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.