Ano ang pandiwa? Kahulugan at halimbawa nito

Ang pandiwa o verb sa Ingles ay ang mga salitang nagsasaaad ng kilos o nagbibigay buhay sa mga salita. Mayroong dalawang uri at tatlong aspekto ang pandiwa.

Dalawang uri ng pandiwa:

1. Palipat (transitive verb)

Ito ay mga pandiwang nangangailangan ng tuwirang layon (direct object). Ito ay kadalasang pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa, o kay

Halimbawa:

Nagsampay ng damit si Maria.

Nagbigay ng pera sa akin si lola.

2. Katawanin (intransitive verb)

Ito ay mga pandiwang hindi nangangailangan ng tuwirang layon (direct object).

Halimbawa:

Kumakanta ang bata.

Nagluluto si Santiago.

Tatlong aspekto ng pandiwa:

  • Pangnagdaan (past tense) – ito ay nagsasaad na tapos na ang kilos
  • Pangkasalukuyan (present tense) – ito ay nagsasaad na kasalukuyang ginagawa ang kilos
  • Panghinaharap (future tense) – ito ay nagsasaad na gagawin pa lamang ang kilos

Pangnagdaan

Pangkasalukuyan

Panghinaharap

naglaro

nagsalita

lumangoy

kumain

natulog

nadapa

naglalaro

nagsasalita

lumalangoy

kumakain

natutulog

nadadapa

maglalaro

magsasalita

lalangoy

kakain

matutulog

madadapa

 

Iba pang pwedeng basahin

Talambuhay ni Lapu-Lapu Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakila...
Talumpati tungkol sa pag-ibig "Ang Pagmamahal" ni Kristine Joy V. Espiritu Ano ...
Leron Leron Sinta Leron, Leron, sinta Buko ng papaya Dala dala’y b...

Leave a Comment