Alamat ng Bahaghari

0 4

Noong unang panahon, may isang mag asawang di pinalad na magkaroon ng anak. Lahat ng naipayong halamang gamot sa kanila ay walang mabuting naidulot. Lubhang malungkot ang mag-asawa.

Humingi sila ng payo sa isang nakatatanda. “Kung hindi madaan sa anumang gamot, Dyos ang lapitan nyo”.

Nagpasya silang lumapit kay Walian, isang esperitista. Ito ay nagdasal upang humingi ng tulong sa diwata ng pagdadalantao.

Laking tuwa ng mag-asawa ng ilang buwan lamang ay nagsilang ang ginang ng isang malusog na babae.

Pinangalanan nila itong “Blunto”. Si Blunto ay ubod ng ganda.

Bukod sa maganda ay napakasipag din nito. Bawat halamang dinidiligan ni Blunto ay namumukadkad at kinagigiliwan.

Isang gabi habang minamasdan ang pamumukadkad ng mga bulaklak ay tila isang panaginip ang nakita ng dalagita.

Isang makisig na lalaki na nakasakay sa lumilipad na puting kabayo.

Ngunit maya maya lamang ay naglaho sa paningin nang dalagita ang makisig na lalaki.

Hindi malaman ni Blunto kung ang nakita ay isang panaginip lang.

Isang umaga habang nagdidilig ay bigla na lamang binulaga si Blunto ng isang tinig.

Paglingon nya ay ang lalaking makisig sa panaginip ang nasa harapan nya.

Nagpakilala ito at sinabing nanggaling pa sa napakalayong lugar na mahirap puntahan ninuman. Naging palaisipan kay Blunto ang pagkatao ng makisig na binata. Di na nya tinanong kung ito ba ang nakita nya nung nakaraan.

Hindi na inusisa ng dalagita kung saan galing ang binata sapagkat makausap lamang ito ay masaya na sya.

Laging hinihintay ni Blunto ang pag lubog ng araw sa kadalihanang sa hapon ito dinadalaw ng binata. Umibig sya sa misteryosong binata at ganoon din ito sa kanya.

Bata pa si Blunto upang tumanggap ng mangingibig, sapagkat totoo ang nararamdaman ng binata, nag hintay ito ng ilang taon bago tanggapin ang matamis na oo ni Blunto.

Nang sagutin ng dalaga ay ipinagtapat na ng binata ang totoong pagkatao.

Sinabi ng binata na sya ay anak ng Haring Araw at Reyna Buwan.

Inamin din nito na di panaginip ang nakita ng dalaga. Alam din ng magulang ng binata ang nadarama sa dalaga.

Ngunit mariin ang tutol ng mga magulang ni Blunto sa pag iibigan ng dalawa sapagkat ang dalaga ay parang kabubukadkad na bulaklak pa lamang.

Nagawang magtanan ng magkasintahan ngunit bigo, kalaunay ikinulong si Blunto ng magulang sa kwarto at itinaboy ang binata.

Sa pag pupumilit ng binata ay nahabag din ang mga ito, ngunit nagbigay ng isang kondisyon.

Ito ay ang makasal ang dalawa sa lupa bago isama sa kaitasan.

Naging payak ang kasal ni Blunto.

“Ama, Ina” mangiyak ngiyak na paalam ni Blunto sa magulang bago sumakay ng puting kabayo na magdadala sa kanila sa kaitasan.

Mahigpit na niyakap ng magulang si Blunto at matapat na kinamayan ng mga ito ang ngayoy manugang.

Ilang araw ang lumipas ay naging malungkot ang mga magulang ni Blunto, subalit tulad ng pangako ng anak ay matatanaw nila ito sa kaitasan.

Ang mistulang arko ng mga bulaklak sa langit ay makukulay na tila bahag ng hari.

At iyan ang alamat ng Bahaghari ng mga taga isla sa Saranggani sa Mindanao.

Galing kay: marvicrm

Leave A Reply

Your email address will not be published.