6 Activities para sa mga lolo

|

Kilala ang mga kalalakihan sa ating lipunan bilang mga breadwinners ng pamilya. Ang ilan sa mga kalalakihan ay nagtatrabaho kaya naman ay naging sentro ng kanilang buhay ang pamilya, pagtatrabaho at pagiging productive, at iba pang mga gawain na may kinalaman sa family responsibilities. Kung may oras at panahon pa ay ginugugol naman nila ang kanilang oras para sa kanilang mga hobbies.

Habang tumatanda ay nagkakaroon ng iba’t ibang pagbabago sa routines at lifestyle ng tao partikular na dito ay ang mga senior men na kapag dumaan na sa age of retirement ay nakararamdam ng pagkainip sa kung anong gagawin sa kanilang mga oras. Ayon sa National Institute of Mental Health, maraming bilang ng mga seniors ang nakararanas ng depression dahil sa pagbabago ng kanilang routines at pagkabawas ng mga gawain. Mayroong paraan upang di mauwi sa depression ang mga seniors at isa na rito ay ang pagbibigay ng activities sa kanila upang maramdaman nila na mayroon pa silang maaaring magawa kahit na sila ay matanda na.

Ilan sa mga maaaring gawin o maaaring ipagawa na mga activities for senior men ay ang mga sumusunod:

Pagbisita sa Art Galleries o Museum

Sa mga senior men na interesado sa art, isang magandang activity ang pagpunta sa mga galleries upang makita at maranasan ang kultura noon at ngayon. Maraming mga galleries ang maaaring mapuntahan ng mga senior men at mayroon ding mga classes sa loob ng galleries na ito na pwedeng salihan upang magkaroon ng interaction at kaalaman tungkol sa mundo ng sining.

Pangongolekta

Ang pangongolekta ng mga memorabilia o mga bagay na pinagkakainteresan gaya ng photos, cards, coins, at stamps ay magandang hobby dahil makatutulong din ito sa pag-improve ng organizational thinking ng mga matatanda.

tjOcOhInan5 jF xTvhlk5r6jhVW3YoSYQsL62t6H5t5aNCQZVgAgO PgGWYXevTo FJPNyjDJM1vh9 ylt vbuA7lyXR8RsNc44wnbh9shtzoAJylGUqv3UoYbrQ7oVbYQAVFbU
Photo Courtesy of gratisography.com via Pixabay

Gardening at House Maintenance

Kadalasang marunong sa pagaayos ng bahay ang mga nakatatandang lalaki. Maganda rin na makahingi sila ng payo sa mga eksperto sa maintenance at ma-apply nila ito sa kanilang mga kabahayan. Ang pagtatanim naman ng maliliit na halaman at bulaklak ay makatutulong makaiwas sa stress at mapabuti ang mga sintomas ng depresyon sa mga senior men.

Sports

Maaring magtravel ang mga senior men upang manuod ng mga live games ng kanilang paborito o kinaiinteresang laro. Maaari ding maglaro ng mga sports tulad ng fishing, billiards, golf, tennis at swimming. Kung nais namang mag stay lang sa bahay ay pwede ring subukang mag imbita ng mga kaibigan at manuod ng sports channel sa bahay.

Pagsasayaw 

Isa sa mga exercises para sa senior men ay ang pagsasayaw. Maliban sa sayang naidudulot nito ay nakakatulong pa ito sa kalusugan ng mga matatanda. Gawing dance partners ang mga anak, apo, at asawa sa bahay o kaya naman ay maaari ding sumali sa aerobics, zumba, o taebo.

122 rfRKc4ris8tlifdFlONBVfhgb6y6EIukv5ew48MDh7rwq2FqcQYXacBFgDvTcRLiuAd0j6q1vYj01F851hSsQxxDVc1x rwFhGxiiuGqyJIPUFzV LNQ8dr3Qevq7eYHd YO
Photo Courtesy of jarmoluk via Pixabay

Paglalaro ng chess, cards, at board games

Ang paglalaro ng mga mentally stimulating games tulad ng chess, card games, at board games ay makakatulong di lamang para sa social life ng mga senior men kundi pati na rin sa kanilang memory at cognitive ability. Mas nagiging makakalimutin ang mga tao habang tumatanda kaya naman mapapabuti kung may ehersisyo hindi lamang ang pisikal na katawan ngunit pati na rin ang mental na kalusugan upang makaiwas sa mga mental health issues sa mga matatanda. Ilan pa sa mga maaaring gawing mentally stimulating activities ay ang paglalaro ng puzzles, pagbabasa, at pakikipag-usap sa ibang mga tao tungkol sa mga current events.

Upang maiwasan ang pagkabagot nina lolo, makabubuting maging involved sila sa iba’t ibang klase ng gawain gaya ng mga nabanggit. Malaki rin ang maitutulong sakanila kapag mayroon silang matatanggap na suporta mula sa kanilang pamilya para sa mga activities na gusto nilang gawin. Ayon sa isang pag-aaral, ang paggawa at pagsali sa iba’t ibang klase ng activities, tulad ng mga  social activities for senior men, ay makatutulong sa pagpapabuti ng mental at physical health ng mga nakatatanda.

+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email