11 Healthy Regalo Ngayong Pasko

|

Nalalapit na naman ang pasko ngayong taon at naging kultura na nating mga Pilipino ang mamili at mamigay ng regalo para sa mga kakilala at minamahal sa buhay.

Ilang araw na lang at magpapasko na kaya naman kailangang makapaghanda at makabili na ng mga regalo sa pasko at makapagtabi na ng aguinaldo sa inaanak. Kung gipit sa budget ay maaaring sumubok ng mga healthy pero murang gifts para makapagbigay ng mga unique at espesyal na regalo ngayong kapaskuhan. Ano-ano ba ang mga healthy gifts na maaaring ibigay para sa pamilya, kaibigan, katrabaho, at mga inaanak?

Regalo para sa physical fitness:

Gym Membership

Ang pagbibigay ng gym membership ay pwedeng maging simula ng regular na pag eehersisyo ng tatanggap nito. Maganda itong gamiting inspirasyon para sa pagbabago at pagiging mas healthy at fit sa darating na taon.

Workout bag

Magandang iregalo ang workout bag kung mayroong kakilalang gym lover. Marami pa itong purpose dahil maaari itong gamitin hindi lamang sa gym ngunit pati na rin sa trabaho o pag travel.

PWDA1DIEoIL1wZKF2nQ1gj5rIYrbAVBPZRQht Eo3QIWXMZsMu0bGvyKAUZb3DnTL6ZAlyIoDW7osjhivmcQ7OEqO1aDHA7KQzB7KFOXlBrC3syRi18UkiTl SDbKEqpYZoXDt3E

Boxing gloves

Ang pagboboxing o muay thai ay isang magandang exercise upang maging fit at mabawasan ang mga calories sa katawan. Karamihan ng gyms ay mayroong boxing gloves fee kung kaya naman magandang regalo ito upang makatipid at maging healthy.

Yoga kit

Isa ang yoga sa mahusay na klase ng exercise at meditation. Kasama sa kit na ito ang yoga mat at strap, resistance band, foamy exercise ball at workout guide. Kung wala namang budget na bilhin ang buong kit, maaaring yoga mat na lang muna ang bilhin dahil isa ito sa basic things na kailangan sa pagyo-yoga.

Regalo para sa exchange gift:

Uso ang pagbibigayan ng exchange gift bago ang kapaskuhan at ginagawa ito ilang araw bago sumapit ang pasko. Ilan sa mga magaganda at healthy gifts para sa exchange gift ay ang mga sumusunod:

Travel mug

Ang travel mug ay magandang ibigay para sa mga taong mahilig sa caffeine. Madaming health benefits ang makukuha sa pag-inom ng moderate tea at coffee tulad ng pagtulong ng coffee upang ma-relax ang airway sa lungs at nagtataglay naman ng antioxidants sa mga tea na lumalaban sa cancer. 

Lotion

Nakakatulong ang lotion sa pag moisturize at pagkakaroon ng healthy skin. Madali lamang itong hanapin at bilhin sa dami ng skin products na matatagpuan sa mga stores.

Regalo para sa mga food lovers:

Fruitcake

Sikat sa bansa ang paggawa at pagreregalo ng fruitcake. Marami itong naibibigay na sustansya dahil puno ito ng iba’t ibang klase ng prutas gaya ng raisin, mango, at cherry. Pwedeng gawing mas healthy ito kung babawasan ng kaunting asukal at ilan pang preservatives.

Healthy fruits and vegetables basket

Ang pagbili ng iba’t ibang klase ng prutas at gulay ay kilala rin sa bansa para sa paghahanda sa darating na bagong taon. Ang healthy fruits and vegetables basket ay pwedeng lagyan ng apple, orange, avocado, saging, at grapes na pwedeng i-regalo sa mga kaibigan at kaanak. 

Recipe Book

Sa mga kaibigan o kaanak na mahilig magluto, tiyak na ma-a-appreciate nila ang recipe book na matatanggap sa pasko. May iba’t-ibang klase ng recipe book gaya ng mga luto para sa vegetarian, sa mahilig sa dessert, o di kaya’y mahilig sa Japanese food kaya’t magandang alamin din muna ang hilig na klase ng pagkain ng re-regaluhan ng recipe book na ito.

Regalo para sa mga bata o inaanak:

Bicycle

Magandang regalo sa mga bata ang bisikleta kahit sa murang edad pa lamang. May iba’t ibang klase ng bisikleta depende sa kung anong edad ang reregaluhan gaya ng bike na may training wheels at mga bike na may mas malalaking gulong.

Sports Equipments

Maraming mga kabataan ang nahihilig sa iba’t ibang klase ng sports gaya ng basketball, volleyball, at badminton. Kapag nakitaan sila ng pagkahilig sa mga ito, magandang i-encourage sila sa pamamagitan ng pagreregalo ng mga equipments para sa nasabing sports na kinahihiligan nila. Ang paglalaro ng sports ay makatutulong din sa pag build ng self-confidence ng mga bata.

Sa pamamagitan ng pagbibigayan ng mga healthy gifts, maaring mag silbi ang kaugaliang ito bilang inspirasyon para pagbutihin ang kalusugan at well-being ng taong iyong reregaluhan.

Maganda rin itong gamitin para sa nalalapit na bagong taon kung saan ay uso ang pag gawa ng new year’s resolution o mga listahan na gusto nating gawin pagdating ng panibagong taon.

+1
1
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email